Pages

Thursday, October 10, 2013

Langit Lupa

Langit LupaLangit-lupa ay Pinoy Native Games ang taya ay pwede habulin ang kanyang mga kalaro kapag sila ay nasa “Lupa” at kapag ang kalaro ay umakyat sa ibabaw ng bagay hindi sila maaring mataya dahil ito ay “langit”. Mayayari ang laro pagkatapos mahuli ng taya ang lahat ng kalaro. Upang  mapili ang unang taya kinakanta ng mga manlalaro ang kantang ito habang tinuturo ang bawat kalaro.

Langit, lupa impyerno, im - im - impyerno
Sak-sak puso tulo ang dugo
Patay, buhay, Umalis ka Na Sa pwesto Mo!


Kapag kanta ang tumitigil ang huling naituro ay ligtas na sa pagiging taya hanggang matira na lang ay isa at siya na ang magiging taya. 

Luksong Baka

Luksong BakaLuksong-Baka  ay  isang din sa mag Pinoy Native Games na galling sa larong Luksong Tinik. Ang isang kalaro ay nakayuko habang ang iba pang mga manlalaro tumalon sa ibabaw sa niya o ng taya. Ang taya ay tumataas ang likoran habang tumatagal ang laro ,upang mas maging mahirap ang pagtalon ng mga kalaro sa kanya. Kapag ang isang manlalaro ay sumayad sa taya siya naman  ang magiging baka. At kapag walang manlalaro ang nataya mauulit muli sa simula ang laro at kapag nag sawa na ang mga kalaro ay matitigil na ang laro.


 

Total Pageviews